Chuck. Bente-something anyos. Simpleng ginoo. Masscom graduate. SINGLE. Mga kwento at kaisipan na resulta ng matagal na pagtambay sa convenience store hawak ang isang basong Chuckie.

NOTE: I write R18 stuff. Beware.

 

Nanibago ako bigla sa motor. Lagi kasing dinadala ng kapatid ko kaya bihira ko lang magamit. Pero noong tinatamad pa ako magmaneho ng kotse, ito ang ginagamit ko kahit saan. Malaki rin ang pakinabang dahil mahal ang traysikel sa lugar namin.

Nanibago ako bigla sa motor. Lagi kasing dinadala ng kapatid ko kaya bihira ko lang magamit. Pero noong tinatamad pa ako magmaneho ng kotse, ito ang ginagamit ko kahit saan. Malaki rin ang pakinabang dahil mahal ang traysikel sa lugar namin.

Cringing at the thought of working in Makati soon. Mahirap na nga mag-commute dun, mas mahirap pa maghanap ng parking space. Even the parking buildings are filled to the brim before 9am. Whew. After all these years of working in Quezon City and overseas, masanay kaya ako nito?

Anyone knows good parking spaces, preferably in Legaspi Village?

Is it just me or medyo nakakapurga na rin yung kantang ‘All of Me’?

Yeah sure, kinakanta ‘yan ng halos lahat ng magsyota ngayon. But a big chunk of them will end up breaking apart. So what’s the use?

"May Viber ka?"

Baka kasi kapag Skype mo ang hiningi ko, kung ano pa isipin mo. Hihi.

12:34am | Tatlonlibong piso

Isa, dalawa, tatlo. Tatlonlibong piso sa aking pitaka. Isama na rin ang mga kumakalansing na barya. Piso, limang piso, sampung piso, bente singko. Mga sukli na inipon mula sa pamasahe at kinainan. Kaunting wilig ng pabango, gayak na gayak na akong makipagkilala sa isang taong ngayon ko lamang makikita. Tumunog ang aking telepono. Malapit na raw siya. Mataman ko siyang hinintay.

Isang pigura ang unti-unting lumalapit. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib kong dinadaga. Sinalubong ko ng ngiti ang kanyang maamo nang ngiti. Bagaman ngayon lamang kami nagkita, pakiwari nami’y napakatagal na naming magkakilala. Napagkasunduan naming magkape. Ginasta ko ang unang isanlibong piso. Nabaryahan ito. Sa mahal ng kape at ng mga tinapay na aming kinain doon, halos kalahati rin ang nabawas.

Sa paglalim ng gabi, nagkayayaan naman kaming uminom. Hindi kalayuan mula sa kapihan, nagtungo naman kami sa isang lugar-inuman. Magiliw ang paligid. Masaya ang atmospera. Umorder kami ng isang timbang cerveza at tig-isang plato ng maanghang na sisig at malutong na calamares. Kapwa kami mahina sa inuman kaya’t nagkasya na kami sa anim na boteng nasa timba. Mamulutan na lang daw kami. Ipinambayad ko ang pangalawang isanlibo.

Sa saliw ng tumugtog na banda, nag-usap kami. Ibinulalas ang mga inipong damdamin. Bumulwak na tila nasirang prinsa ang aming mga puso. Nabalot ng iba’t ibang kulay ng mga sumasayaw na ilaw ang aming mga mukha habang kami’y nagtititigan. Mga matang nangungusap. Mga kamay na nagsasabing may dapat pa kaming gawin. Mga labing nagdikit at tila tiniyak na kung anuman ang gusto naming mangyari ay parehong bukal sa aming nag-aalab na kalooban. 

Tumayo kami mula sa aming mesa at naglakad patungo sa isang pagtutuluyan na ang pakay doon ng marami ay sagutin ang tawag ng kamunduhan. Unti-unting nilunod ng katahimikan ang kanina’y ingay ng musika at walang humpay na kuwentuhan ng mga parokyano roon. Tanging paisa-isang harurot na lamang ng mangilan-ngilang dyip ang aming kasabay sa tahimik na lansangan. Muli kaming nagkatitigan. Aninag sa aming mga mukha ang kulay kahel mula sa mga ilaw sa lansangan.

At pumasok na nga kami sa pagtutuluyan. Naging pula naman ang paligid. Sa isang sulok, ang iba pang mga pares na naghihintay ng silid. Hindi mo masasabi kung sino ang magsing-irog, mag-asawa, magkaibigan, o estrangherong nagkayayaan lang. Ilang silid na may mas mahal na bayad na lamang ang bakante. Kinuha na namin ito. Iniabot ko sa kahera ang huling isanlibo. Kapalit naman nito ay ang susi, talapihitan ng telebisyon, at maliliit na piraso ng sabon.

Sa loob ng silid, para kaming mga hayop na nakawala sa hawla. Marahil na rin sa espiritu ng alak, lalong lumakas ang aming mga loob. Naglingkis ang aming mga hubad na katawan. Balat sa balat, laway sa laway. Minasdan ang aming mga repleksyon sa mga salamin sa aming gilid at kisame. Nagalak kami sa tanawin ng pag-iisang laman ng aming mga katawan. Sadyang napakabilis ng lahat. Nawala sa aming lingap na kami’y nanatiling mga tinig lamang na walang mukha hanggang kanina.

Humupa ang rigodon. Tanging kumot na lamang ang aming saplot. Nahiga siya sa aking dibdib. Napuno kami ng malalambing na usapan, na kung paanong minahal ko na siya bago pa man kami nagkita. Tumunog ang kanyang telepono. "Babe, san ka na? Kanina ka pa di reply." (Bebehkoh - 0926-XXX-XXXX) Sumagot naman siya. "Pauwi na. Sleep ka na po. Hugz." Nagyaya na siyang umuwi. Tila bumagsak sa aking katawan ang salamin sa kisame na kanina lamang ay pinuno ng imahe ng aming mga katawang nagdugtong. 

Tatlonlibong piso. Ilang mga mas maliliit na papel at mas dumaming kumakalansing na barya. Ito ang halaga ng aking kamangmangan at kahibangan na aking pagbabayaran.

Had another bout with depression today. All these days of aimless thoughts and blank stares culminated. Maybe this is part of quarter-life crisis. I have reached this old yet I still have nothing to prove or be proud of.

Again, it sucks to be the only artistic person in the family. Tonight, I found myself doing another project for my younger cousins. I’m hesitant about doing this one. This is for a blacksheep cousin. Well, who doesn’t have a blacksheep in the family? If you don’t have any, then you might be the blacksheep. He’s just an 8th grader yet he has earned premium mileage points at the principal’s office ever since he went to school. His report card is festooned with numbers between 65 and 75. Yet he is popular in school not only for being teachers’ enemy number one, but also as a star basketball player. No matter how hard we try to lecture him that he needs to have high grades in order to play in UAAP and PBA, he won’t listen and thinks we’re making it up. I used to cover sports during my reporter days yet even I am ignored. I hate to do this project for him. Unlike his studious siblings, he doesn’t deserve my assistance. If not for mum’s pushing, I won’t do this at all. I only help those who are helping themselves.

Same goes for negastars here on Tumblr. No amount of advice or sympathy will let you out of your misery if you don’t help yourself. Misery isn’t life itself, it’s a choice.

Ui, congrats sa NU!

Pa-hug naman kina pareng Gelo Alolino at Glenn Khobuntin.

I don’t care kung pawisan sila. Magpapapawis din kaming tatlo. Ay.

I think I owe you three hugs…

…One while we’re standing, one while you’re sitting on my lap facing me, one while we’re spooned together.

1:17am | Sa piling mo

I.
Aawitin ko
Ang mga saliw na nalimot mo
Ipapaalala na kailanman
Pagsasama nati’y ‘di nalimutan
Aalisin ko
Simangot na nakaguhit
Ngiti ang ipapalit
Sa iyong mukhang ka’y amo

II.
Aanhin ko pa
Na sa buhay ay sumaya
Kung sa piling ko’y wala ka
Lingap mo ay hahanapin pa
Ipaglalaban ko
Huwag ka lamang malayo
Tayo’y narito muli
Mawalay ay hinding-hindi

III.
Ang piling mo ay langit kong ikaliligaya
Kapag ikaw ay narito tayo ay lalaya
Unos man ang susunguin
Lahat ay kaya nating harapin
Basta’t narito ka lamang sa aking tabi
Pag-ibig natin hindi magwawali